Niratipikahang P4.5-T 2021 budget sa isang linggo pa maipapdala sa Palasyo – Speaker Velasco

By Erwin Aguilon December 10, 2020 - 04:32 PM

Photo credit: House of Representatives of the Philippines/Twitter

Hindi pa maipapadala sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang niratipikahang P4.5-trillon 2021 national budget.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sa susunod na Linggo pa madadala sa Malakanyang ang enrolled bill ng pambansang pondo.

Sa ilalim ng isusumiteng pinal na kopya ng budget sa Palasyo, nakapaloob dito ang P72 bilyon na alokasyon para sa COVID-19 vaccines; dagdag na P44.8 bilyon para sa “Build, Build, Build” program; P2 bilyon para sa procurement ng personal protective equipment or PPE; P434.4 milyon para sa Health Facilities Enhancement Program, P462 milyon para sa Medical Health Assistance Program, at P100 milyon para sa mental health program ng Department of Health (DOH).

Tinaasan din sa P3.177 bilyon ang pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan mayorya ng budget ng ahensya ay ilalaan sa mga kababayang nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers Program or TUPAD.

Tinitiyak ng Speaker na nasa maayos na posisyon ang bansa sa ilalim ng 2021 national budget dahil sumasalamin ito sa commitment ng gobyerno para labanan at makabangon ang bansa at ekonomiya sa epekto ng COVID-19.

Pinuri at pinasalamatan din ni Velasco ang 21-member House contingent sa pangunguna ni Appropriations Chairman Eric Yap dahil sa matagumpay na misyon na pagkasunduin ang disagreeing provisions sa budget version ng Senado.

TAGS: 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Inquirer News, Palasyo ng Malakanyang, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Inquirer News, Palasyo ng Malakanyang, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.