Seguridad sa mga airport sa Pilipinas mas mahigpit daw kaysa sa Belgium

By Alvin Barcelona March 23, 2016 - 12:23 PM

naiaKumpiyansa ang Malacañang na mas mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa mga paliparan sa pilipinas kumpara sa Brussels, Belgium.

Ginawa ni Communication Secretary Sonny Coloma ang pahayag kasunod ng pagpapasabog sa airport at sa train station ng brussels kahapon na ikinasawi ng maraming tao.

Ayon kay Coloma, matagal nang ipinatutupad ang mahigpit na pag iinspeksyon sa mga pumapasok na sasakyan sa mga checkpoints papasok sa mga international airport sa Pilipinas.

Matindi din ang screening ng airport security sa mga tao na pumapasok sa airport habang masusi ding kinikilatis ang lahat ng mga bagahe at hand carry nito na idinadaan pa sa mga x-ray machines.

Anya, mas mahigpit itong ipunatutupad sa mga paliparan sa bansa kaysa sa brussels at iba pang intl airport.

Una rito, inutusan ni Pangulong Aquino si Transportation and Communication Secretary Jun Abaya na paigtingin ang pagbabantay sa mga airport, seaport pati sa mga bus at iba pang transport terminals.

TAGS: Malakanyang, paliparan sa Pilipinas, Malakanyang, paliparan sa Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.