Nag-positibo sa paggamit ng ilegal na droga ang dalawang drayber sa Araneta Center Bus Terminal.
Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang Land Transporation Office sa naturang bus terminal ngayong panahon ng Semana Santa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Jason Salvador, tagapagsalita ng Land Transporation Office, sasailalim pa ang mga ito ng confirmatory test.
Sakaling mapanatuyan na gumagamit ng illegal na droga, kakanselahin ng LTO ang kanilang lisensya.
May ilang bus na rin ang hindi pinabiyahe ng lto matapos makitaan ng depektibong parte.
Ayon kay Salvador, mahalaga na sumailalim sa road worthiness ang mga bus para matiyak na magiging ligtas ang biyahe ng mga pasahero.
Mas kaunti aniya ang mga pasahero ngayon sa mga bus terminal kumpara noong nakaraang Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.