Dahil walang holiday ceasefire, agresibong operasyon ng PNP vs CPP-NPA tuloy ngayong Kapaskuhan

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 09:01 AM

Magpapatuloy ang paglulunsad ng agresibong operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa New People’s Army.

Kasunod ito ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang mangyayaring holiday ceasefire sa CPP-NPA.

Sinabi ni PNP Chief, Police General Debold M. Sinas, ngayong holiday season mananatili ang aktibong law enforcement operations ng PNP.

Sa kabila nito, sinabi ni Sinas na bukas pa rin naman ang pambansang pulisya sa mga miiyembro ng CPP-NPA-NDF na handa nang magbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Sinas, handa ang PNP na asistihan ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na nais nang sumuko at nais makapiling ang kanilang pamilya ngayong Christmas season.

“In the spirit of the season, the PNP will welcome and provide assistance to CPP-NPA members who will lay down their arms and come down from the hills to join their families for the traditional holiday. We understand where they are coming from and government is offering them this life-changing opportunity,” ayon kay Sinas.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, CPP-NPA, Inquirer News, no holiday truce, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, CPP-NPA, Inquirer News, no holiday truce, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.