Israel sisimulan na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa December 27
Natanggap na ng Israel ang unang batch ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa Pfizer.
Ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu, sa December 27 ay uumpisahan na ang kanilang mass vaccination.
Sinabi ni Netanyahu na handa siya na unang magpaturok ng bakuna para ipakita at himukin ang kaniyang mamamaya sa kaligtasan nito.
Ang Israel ay nag-order ng walong milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer at partner nitong BioNTech.
Sinabi ni Netanyahu na simula sa December 27 ay kakayanin ng kanilang health service na makapagbakuna sa 60,000 katao kada araw.
Apela ni Netanhayu sa lahat ng Israeli citizen, huwag matakot na magpabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.