Binabantayang LPA ng PAGASA magpapa-ulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 05:39 AM

Magdudulot ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 35 kilometers South Southwest ng Alabat, Quezon.

Sa ngayon, ayon sa PAGASA maliit pa naman ang tsansa maging siang ganap na bagyo ang LPA.

Dahil sa epekto ng LPA, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Pangasinan.

Maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, LPA, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.