Tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagka-sunog ng dalawa sa 40-palapag ng isang ginagawang condominium sa kanto ng EDSA at Reliance St. sa Mandaluyong City kahapon.
Nag-simula ang sunog alas-9:08 ng umaga sa ikatlong palapag ng Tower 4 ng Avida Tower Centera sa Brgy. Highway Hills.
Umabot ang sunog sa ika-apat na palapag kaya’t pwersahang pinaalis ang nasa mahigit 1,100 na construction workers.
Naganap ang sunog tatlong araw matapos magsagawa ng fire drill ang manggagawa ng gusali ng Ayala Land.
Ayon kay fire marshal Supt. Nahum Tarroza, wala namang naitalang nasugatan ngunit hindi bababa sa tatlong katao ang dumaing ng hirap sa pag-hinga dahil sa usok.
Nasa 20 manggagawa naman ang sandaling na-trap sa ika-25 palapag ng gusali, na naibaba naman kalaunan gamit ang gondola.
Iniimbestigahan pa rin ani Tarroza ang dahilan ng sunog, at suspendido muna ang trabaho sa mga apektadong palapag hanggang Biyernes para bigyang daan ang pagsi-siyasat ng mga otoridad.
Tumagal ng tatlong oras ang sunog na umabot sa ika-apat na alarma, na naka-apekto rin sa daloy ng trapiko sa EDSA northbound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.