PNP probe sa quarantine protocol violations nina Sen. Pacman, Sec. Roque

By Jan Escosio December 09, 2020 - 08:34 PM

Isusumite na ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas kay Interior Secretary Eduardo Año ang resulta ng pag-iimbestiga sa mga sinasabing naging paglabag nina Senator Manny Pacquiao at Presidential spokesman Harry Roque.

Tumanggi naman si Sinas na sabihin ang resulta sa katuwiran na bahala na si Año sa magiging hakbang nito sa kanilang rekomendasyon.

Magugunita na napuna si Roque nang bumisita ito sa Bantayan Island sa Cebu para dumalo sa isang pagtitipon, kung saan hindi nasunod ang physical distancing.

Nangatuwiran pa ito na hindi na siya ang dapat sisihin kung maraming tao ang gustong makita siya.

Sa Batangas, hindi rin nasunod ang physical distancing nang mamahagi ng tulong si Pacquiao sa mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.

TAGS: Inquirer News, PNP chief Debold Sinas, quarantine protocol violations, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año, Sec. Harry Roque, Sec. Manny Pacquiao, Inquirer News, PNP chief Debold Sinas, quarantine protocol violations, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año, Sec. Harry Roque, Sec. Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.