Cash assistance sa mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 at iba’t ibang kalamidad target ipamahagi bago ang Pasko
Target ng Department of Labor and Employment na maipamahagi na ang cash assistance sa mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19 pati na ng iba’t ibang uri ng kalamidad bago ang Pasko.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ubusin ang pamamahagi ng pera sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Benavidez, naibaba na ang 93 percent ng pondo sa DOLE sa pamamagitan ng Bayanihan 2.
Nasa mga tanggapan na ng DOLE sa rehiyon ang P16 billion.
Ipinamimigay ang cash assistance sa ilalim ng mga programang CAMP – COVID-19 Adjustment Measure Program; TUPAD at AKAP sa mga manggagawa sa ibang bansa kung saan binibigyan ng financial assistance na P10,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.