NTC pinapag-double time ng Malakanyang sa pag-aayos sa telekomunikasyon
Pinagdo-double time ng Palasyo ng Malakanyang ang National Telecommunications Commission na tiyakin na maayos ang serbisyo ng telekomunikasyon sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na nasa ika tatlumpot apat na piwesto mula sa limampung bansa sa asya ang Pilipinas kung serbisyo ng telekomunikasyon ang pag uusapan.
Ayon kay Roque, may sapat na pondo naman ang pamahalaan para ipanggastos.
Katunayan, nakikinig rin aniya ang Kongreso sa mga hinaing ng NTC.
kahapon lamang, nangako ang Globe, Smart at Dito na aayusin na nila ang serbisyo ng telekomunikasyon sa bansa.
Matatandaang noong Hulyo, nagbabala ang pangulo sa mga telcos na dapat ayusin.
Ang serbisyo pagsapit ng Disyembre kung ayaw ng mga ito na maipasara ang kanilang kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.