6 na turista sa Boracay kakasuhan dahil sa pamemeke ng COVID-19 test results
Mahaharap sa kasong kriminal ang anim na lokal na turista sa Boracay matapos matuklasang peke ang kanilang COVID-19 test results.
Ayon kay Atty. Selwyn Ibarreta, administrador sa Caticlan Port sa Aklan at pinuno ng provincial COVID-19 Technical Working Group, ang grupo ay galing ng Metro Manila na kinabibilangan ng apat na babae at dalawang lalaki.
Pinuntahan sila ng mga pulis sa kanilang tinutuluyang hotel rooms matapos matuklasan na peke ang 5 sa 6 na RT PCR Test results na kanilang isinumite.
Hindi rin muna sila pinaalis sa isla, kinuhanan ng swab test at isinailalim sa 14 na araw na quarantine.
Sasampahan sila ng paglabag sa epublic Act No. 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).
Lahat ng turista na nagtutungo sa Boracay Island ay kinakailangan na magsumite ng negatibong RT-PCR test result na lumabas 72 oras bago ang kanilang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.