Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Martes, December 8, 3:07 PM), 77 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 9 ang nadagdag.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,388 kung saan 12 ang bagong napaulat,
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 165.
Umabot naman na sa 5,630 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng suspected cases ay 129.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.