Easterlies magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon
Patuloy na makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng Easterlies.
Sa weather forecast ng PAGASA, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang iiral ngayong araw sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Mindoro Provinces, at sa northern Palawan kabilang ang Kalayaan islands.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Ilocos Region dahil sa Amihan.
Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa localized thunderstorms lamang ang mararanasan.
Nakataas naman ang gale warning at bawal pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan at Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.