Kinumpirma ng South Korea ang kauna-unahang kaso ng Zika virus sa kanilang bansa.
Sa impormasyon ng South Korean Centers for Disease Control, sinabi nito na isang 43 year old na lalaki ang nagpositibo sa Zika infection.
Nabatid na galing ng Brazil noong Pebrero hanggang unang linggo ng Marso ang hindi pinangalanang lalaki na nagpositibo sa mosquito-borne virus.
Noong Pebrero ay idineklara ng World Health Organization ang Zika Virus outbreak bilang global public health emergency na iniuugnay sa pagkakaroon ng microcephaly ng mga sanggol na isinilang ng mga inang infected nito.
Ang Brazil at ibang mga bansa sa Latin America at Caribbean ang may pinaka-maraming kaso ng Zika na ngayon ay umabot na sa 1.5 million ang tinatamaan ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.