LOOK: Duque, Tugade nagsagawa ng assessment sa PITX
Nagsagawa ng assessment sina IATF Chairperson at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, kasama sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa araw ng Lunes, December 7.
Ito ay upang tignan kung nasusunod ang health at safety protocols kontra COVID-19 sa nasabing terminal.
Inobserbahan ng mga opisyal ang pagpapatupad na isang metrong distansya sa pagitan ng bawat pasahero, pagsunod sa social distancing markings sa loob ng terminal, pagsuot ng face mask at face shield, at pag-sanitize sa mga pampublikong sasakyan.
“Totoo ‘ho ‘yung pasilidad na andito ngayon. Totoo ‘ho na ‘yung mga pasilidad dito is world-class. Totoo ‘ho na napaka-strikto namin dito sa PITX. dito ng health and safety protocols—wearing of masks, faceshield, social distancing, washing of hands, no talking inside the bus—ini-implement po namin lahat ‘yan,” pahayag ni Tugade.
Tiniyak ng kalihim na hindi sila tataliwas at patuloy na makikiisa sa safety and health protocols ng IATF.
Ipinaalalahanan din ni Tugade ang mga empleyado at concessonaires ng PITX na panatilihin ang maayos at istriktong pagsunod sa anti COVID-19 health protocols na itinakda ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.