NCR at ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin
Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:00 ng hapon, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan ang iiral sa Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Zambales at Batangas.
Maaapektuhan din ang Metro Manila; Rizal, Bulacan sa Doña Remedios Trinidad at Norzagaray.
Uulanin din ang General Nakar, Real sa Quezon; Mabitac, Santa Maria, San Pedro, Biñan at Santa Rosa sa Laguna; Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Cavite City, Rosario, General Trias at Tanza sa Cavite.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.