Buwan ng Enero at Pebrero naitalang pinakamainit na buwan sa kasaysayan

By Rod Lagusad March 22, 2016 - 01:35 PM

Climate ChangeNaitala ng World Meteorological Organization (WMO) ang di pangkaraniwang pagtaas ng temperatura sa buwan ng Enero at Pebrero ngayong taon.

Sinabi ng weather agency ng United Nations ang naitalang temperatura ng unang dalawang buwan ng taon ang siya pinakamataas sa kasalukuyan matapos nitong mahigitan ang nai-record ng nakaraang taon.

Ang buwan ng Pebrero ang itunuturing na pinakamainit na buwan mula ng magsimula ang modernong pagtatala na mas mataas sa normal na temperature sa nakaraang siglo.

Ayon kay WMO Chief Petteri Talas nakakaalarma ang mabilis na pagbago sa klima na ating nararanasan na resulta ng greenhouse gas emissions.

Dagdag ni Dave Carlson, head ng co-sponsor ng WMO na World Climate Research Program ang nasabing nakakaalarmang pagtaas ng temperatura ay isang sampal sa mukha.

TAGS: climate change, Greenhouse Gas, Temperature, climate change, Greenhouse Gas, Temperature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.