Global cases ng COVID-19 mahigit 67.3 million na
Umabot sa mahigit 534,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Dec. 7) ay 67,377,122 na ang global cases ng COVID-19.
Sa magdamag, mahigit 173,000 ang bagong kaso na naitala sa US.
Habang mahigit 32,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 26,000 ang bagong kaso sa Brazil.
Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 29,000 na mga bagong kaso.
Ang Italy ay umakyat sa pang-anim sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Spain at UK.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 15,159,529
India – 9,676,801
Brazil – 6,603,540
Russia – 2,460,770
France – 2,292,497
Italy – 1,728,878
UK – 1,723,242
Spain – 1,699,145
Argentina – 1,463,110
Colombia – 1,371,103
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.