Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2020 - 05:37 AM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:21 ng umaga ngayong Lunes, December 7, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Batangas, Bataan, at Bulacan.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Quezon, Laguna, Rizal at Cavite.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng easterlies.

Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga apektdong lugar na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

TAGS: bataan, Batangas, Bulacan, Metro Manila, Pagasa, rainfall advisory\], weather, bataan, Batangas, Bulacan, Metro Manila, Pagasa, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.