Sen. Marcos, naniniwalang kulang ang debate pag wala si Sen. Santiago
Naniniwala si Sen. Bongbong Marcos na sakaling dumalo ang kaniyang katandem na si Sen. Miriam Defensor Santiago, baka naging mas mataas ang naging antas ng diskurso ng ikalawang presidential debate na ginanap sa Cebu.
Matatandaang hindi nakadalo si Santiago dahil sa pagsa-sailalim niya sa clinical trial ng isang bagong gamot sa cancer.
Ayon kay Marcos, isang malaking kawalan ang hindi pagpunta ni Santiago doon, lalo’t naging natuon lamang ang debate sa pagbubuhat ng bangko ng mga kandidato.
Para sa kaniya, ang kaniyang sinusuportahang kandidato sa pagka-pangulo ang pinaka-angat sa lahat ng mga kandidato sa larangan ng debate dahil sa pagiging dating judge at mambabatas ni Santiago.
Umaasa si Marcos na sa susunod at huling presidential debate ay makasama na si Santiago dahil paniguradong may malakas na laban ang senadora sa debate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.