P54-M halaga ng shabu, nasamsam sa isang mall sa Parañaque

By Radyo Inquirer News Team December 06, 2020 - 05:12 PM

Aabot sa P54 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) sa isang mall parking area sa Parañaque City.

Ayon sa PNP chief Debold Sinas, dalawang suspek ang naaresto sa naturang operasyon.

Nakilala ang mga suspek na sina
Marlon Bayan, 32-anyos at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos.

Ayon kay Sinas, regular carriers ng shabu mula Manila patungong Mindanao ang dalawang suspek.

Malaking dagok aniya sa sindikato ng ilegal na droga ang pagkaaresto sa dalawang suspek.

Sinabi pa ni Sinas na ang pagkakaaresto kina Bayan at Ebrahim ay kasunod na rin ng case operation plan “Blood Stone” na inumpisahan noong nakaraang buwan lamang.

TAGS: Blood Stone, confiscated shabu, PNP, PNP chief Debold Sinas, Blood Stone, confiscated shabu, PNP, PNP chief Debold Sinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.