Panibagong oil price hike, ipatutupad ngayong linggo
By Angellic Jordan December 06, 2020 - 04:38 PM
Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa pagtaya, aabot sa P0.35 hanggang P0.45 ang dagdag na presyo sa bawat litro ng diesel.
Sa kerosene o gaas, inaasahang tataas ng P0.50 hanggang P0.60 ang kada litro.
Sa presyo naman ng gasoline, P0.20 hanggang P0.30 ang itataas sa bawat litro.
Inaasahang ngayong araw mag-aanunsiyo ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.