2 isolation facilities sa Pangasinan, natapos na
Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-convert ng dalawang gusali para maging quarantine facilities sa Pangasinan.
Gagamitin ang pasilidad para sa COVID-19 patients sa Burgos at Sta. Barbara.
Sinabi ni DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar na ginawang quarantine facility ang Pangasinan Reformation Center sa bayan ng Burgos at ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) Building.
Ang Ligtas COVID-19 Center facility sa Burgos ay may 25-bed capacity at isang nurse station.
Inabot ng P2.25 milyon ang pondong inilaan sa naturang proyekto.
May 40 bed capacity naman ang OPAG unit sa Sta. Barbara at isang nurse station.
Umabot ang pondo rito sa P2.1 milyon.
“DPWH will continue to build and convert existing government buildings nationwide to meet the demand for isolation facilities as we combat the pandemic,” pahayag ni Secretary Villar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.