Protocols at guidelines para sa COVID-19 vaccine dapat nang ilabas ng IATF ayon kay Rep. Ronnie Ong
Kinalampag ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang maglabas na ng protocols at guidelines para sa COVID-19 vaccine.
Giit ni Ong, kailangang mailatag na ng IATF sa publiko ang kinakailangang post-vaccination protocols at guidelines
kasunod na rin ng pahayag ng gobyerno na magbibigay ng libreng bakuna sa oras na available na ito sa bansa.
Mahalaga aniya na mayroon nang komprehensibo at sistematikong action plan para maihanda ang publiko sa post-pandemic life.
Ito ayon sa kongresista ay para malaman na ng publiko kung ano ang kanilang aasahan mula sa gobyerno at sa kanilang komunidad.
Kailangan ayon kay Ong na dapat maging handa na ang komprehensibo at detalyado database kung sino ang makatatanggap ng vaccine.
Hindi anya dapat saka pa ito gagawin kung kung kailan mayroon ng bakuna.
Sabi ni Ong, “Sa panahon ngayon mas maganda ang advanced mag-isip. Mahirap yung mabubulaga na naman tayo tapos magulo
ang gagawing sistema ng pagbibigay ng vaccine, pati kung ano ang protocols pagkatapos makakuha ng vaccine”.
Pinaghahanda rin ni Ong ang IATF ng sistema para sa madaling documentation at identification ng mga taong nabakunahan na tulad ng pagiisyu ng QR Codes o bar codes na may centralized database upang hindi na maabala tulad sa pagbyahe na
nangangailangan ng “proof of vaccination”.
Dagdag ng mambabatas, ang covid-19 vaccine ay simbolo ng pag-asa sa lahat kaya naman hinihintay na ito ng publiko.
“The COVID19 vaccine is a symbol of hope for everyone — from students to businesses, from healthworkers to everyday employees. So many of our people are looking forward to the
life after the COVID19 vaccine, but we should remain vigilant, safe, and prepared even with the vaccine,” saad ni Ong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.