2 patay 3 sugatan nang makipagbarilan sa mga sundalo sa Negros
Dalawa ang namatay habang tatlo ang sugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng 62nd Infantry Batallion ng Philippine Army at mga armadong grupo sa Brgy. Bangquerohan Cadiz City Negros Occidental kaninang umaga.
Ayon kay Lt. Col. Arnel Cabugon, commanding officer ng 62IB, nakatanggap sila ng report mula sa mga opisyal ng Barangay sa umanoy may anim na tao ang walang habas na nagpapaputok ng baril sa nasabing lugar.
Kaagad na rumesponde ang tropa ng militar para pigilan ang grupo at sa kabila ng babala at warning shot ng mga sundalo ay pinaputukan pa rin sila ng mga ito kung kaya’t napilitan umano silang gumanti ng putok.
Matapos ang putukan, dalawang bangkay ng di nakilalang lalaki ang natagpuan nakahandusay habang tatlo ang nasugatan na kaagad dinala sa ospital.
Nabawi sa pinangyarihan ng barilan ang isang homemade Cal. 22 firearm at mga bala.
Nasa heightened alert ngayon ang buong pwersa ng militar at pulisya dahil sa mahal na araw at nalalapit na eleksyon sa buwan ng Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.