Russian President Vladimir Putin inimbitahang muli ni Pangulong Duterte na bumisita sa Pilipinas

By Chona Yu December 03, 2020 - 12:55 PM

Muling inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin na bumisita sa bansa.

Ginawa ng pangulo ang imbitasyon matapos magpresinta kahapon ng kaniyang credentials si Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov bilang bagong ambassador ng Russia sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, oras na matapos na ang problema sa pandemya sa COVID-19 ay makabisita sana si Putin sa Pilipinas para sa ika-45 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa susunod na taon.

Ayon sa pangulo, napakabuting kaibigan ng Pilipinas ang Russia at nakatuwang sa
defense and security, health, science and technology at pagpapalago ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Ipinagpasalamat din ni Pangulong Duterte sa Russia ang alok na bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V at kagustuhan nitong maibahagi ang kanilang kaalaman sa teknolohiya hinggil sa vaccine production.

Matatandaang makailang beses nang inimbita ni Pangulong Duterte si Putin na bumisita sa bansa.

 

 

 

 

TAGS: Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Russia - PH relationship, Russian President Vladimir Putin, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Russia - PH relationship, Russian President Vladimir Putin, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.