22 pang pulis nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2020 - 09:05 AM

Aabot sa 22 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (December 2), 8,212 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 412 ang aktibo pang kaso.

30 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,773 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isang pulis naman ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 27 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, Inquirer News, Philippine News, PNP, PNP Covid cases, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, Inquirer News, Philippine News, PNP, PNP Covid cases, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.