Bilang ng naserbisyuhang pasahero sa EDSA Busway system, umabot na sa 6.57-M
Umabot na sa kabuuang 6,579,065 pasahero ang naserbisyuhan ng EDSA Busway system.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay simula nang mag-umpisa ang operasyon noong June 1 nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ng kagawaran na nasa 132,442 trips na ang naisagawa kung saan nasa 159 bus units ang kadalasang bilang ng naide-deploy kada araw.
Bukas ang serbisyo mula 4:00 ng madaling-araw hanggang 10:00 ng gabi.
Narito ang mga sumusunod na bus stop sa Southbound at Northbound:
Monumento
Gen. Tinio
Balintawak
Kaingin Rd.
Roosevelt
North Avenue
Quezon Avenue
Q. Mart
Main Avenue
Santolan
Ortigas
Guadalupe
Ayala
Taft Avenue
MOA
PITx
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.