IED sumabog sa Sumisip, Basilan, isa ang sugatan
Isang araw bago bumisita si Pangulong Benigno Aquino III sa lalawigan ng Basilan, isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog sa bayan ng Sumisip, Linggo ng gabi.
Ayon sa Sumisip police, isa ang nasaktan sa naturang pagsabog na naganap sa lansangang sakop ng Sitio Sangian, Barangay Upper Cabengbeng dakong alas 9:00 ng gabi.
Nakilala ang nasaktang biktima na si Maswal Mahilul.
Naganap ang pagsabog ilang kilometro lamang ang layo mula sa Basilan Circumferential Road sa Barangay Tumahubong na papasinayaan ng Pangulong Aquino ngayong umaga.
Agad namang nagpadala ng puwersa ang Philippine Army upang i-clear ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog.
Wala namang abiso kung kakanselahin ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Aquino ngayong araw sa Basilan matapos ang pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.