Bakuna vs COVID-19 mula China, darating sa Pilipinas sa unang quarter ng 2021
Sa unang quarter ng taong 2021, inaasahang darating na bansa ang bakuna kontra COVID-19 na bibilhin ng Pilipinas sa China.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., maaaring mauna pang makarating sa bansa ang mga bakuna na gawa ng Sinovac at Sinopharm na parehong galing China.
“May mga bakuna pa po tayo na ini-negotiate from China. Dalawa po iyong bakuna na tinitingnan po natin diyan – Sinovac at Sinopharm. Ang maganda po dito is puwede po itong maging available this coming first quarter. Ang pagkakasabi po nila na sa aming negotiation initially is that kapag once na ano namin ang negotiation these coming weeks ay their vaccine will be available 60 to 90 days,” pahayag ni Galvez.
Bukod sa China, sinabi ni Galvez na maganda na rin ang bunga ng pakikipag-negosasayon ng Pilipinas sa pharmaceutical companies sa Amerika.
“We are negotiating right now to four companies in the US lalung-lalo po iyong mga nakita natin na maganda ang efficacy – iyong Pfizer, Moderna, Johnson and Johnsons and also we are negotiating also with Novavax. We are also negotiating sa Serum Institute and also we will continue our negotiation to AstraZeneca, dahil kasi ang napirmahan po natin last week is only the tripartite agreement and we are looking forward na magkaroon pa tayo ng tinatawag na at least 10 to 15 or even 20 million vaccine for each of these vaccine makers,” pahayag ni Galvez.
Umaasa rin si Galvez na mas mapadadali ang regulatory requirement ng Pilipinas kung makakukuha na ang Moderna at Pfizer ng clearance sa Food and Drug Administration ng Amerika para sa emergency use.
“Nakita po natin ngayon na parang ang Moderna at saka Pfizer, they will have an advance clearance through the US FDA for emergency use authorization. And also, we have heard from the news that UK will also be rolling out with Pfizer and AstraZeneca. Ito may mga effect ito, kapag once na iyong dalawang country na very stringent ang kanilang health regulatory at saka regulations for the food and the drugs ay malaki po ang magiging effect po niyan, kasi mapapadali po ang ating regulatory requirements considering that two stringent countries have already approved itong mga product,” pahayag ni Galvez.
Tinatayang 60 milyong Filipino ang target na bigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.
Uunahin ang mga mahihirap, frontliner, mga sundalo at pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.