Panukala upang ibaba ang minimum height requirement sa mga nais mag apply sa PNP, BJMP, BFP at BuCor pasado na sa sub committee sa Kamara
Lusot na House Subcommittee on Police Administration ang panukala upang ibaba ang minimum height requirement para sa mga nais maging miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor).
Layunin ng panukala na amyendahan ang RA 6975 o ang “Department of the Interior and Local Government Act of 1990”, ang RA 9263 o ang “Bureau of Fire Protection and Bureau of Jail Management and Penology Professionalization
Act of 2004 at ang RA 10575 o “Bureau of Corrections Act of 2013”.
Sa ilalim ng panukalang ‘PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act’ang mga nais maging miyembro ng PNP, BFP, BJMP at BuCor personnel ay gagawing 5’2 ang minimum height requirement para sa mga lalaki mula sa kasalukuyang 5’3
habang 5’0 naman sa mga babaeng aplikante mula sa kasalukuyang height requirement na 5’2.
Iginiit ni Sulu Rep. Samier Tan, pinuno ng komite na ang pagbaba sa minimum height requirement para sa mga nagnanais na maging alagad ng batas ay matagal ng sentro ng debate
hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Mayorya aniya ay nakikita itong discriminatory act at unlawful at hindi rin sukatan ang taas at laki para karapat-dapat ang isang tao sa propesyon.
Tulad anya sa mga bansang United States, Great Britain, Australia at New Zealand na ibinasura na ang height standards at pinalitan ito ng ibang indicators tulad ng body mass index at physical aptitude test na mas mainam na sukatan kung karapat-dapat ba ang isang aplikante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.