Operasyon ng night market sa Baguio City sinuspinde ni Mayor Benjamin Magalong dahil sa problema sa crowd control

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2020 - 06:04 AM

Bunsod ng kabiguang maipatupad ng tama ang crowd control nagpasya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na suspendihin ang operasyon ng night market sa lungsod.

Kabubukas lamang ng naturang night market Martes, (Dec. 1) ng gabi.

Inatasan ni Magalong si City Treasurer Alex Cabarrubias at si Market superintendent Fernando Ragma Jr. na agad magpatawag ng pulong at magsagawa ng post-night market assessment para pag-aralan ang nangyari sa unang araw ng pagbubukas ng night market.

Pinatutukoy din ni Magalong kung ano ang mga naging problema at pagkukulang sa pagpapatupad ng crowd control.

Nagpasya si Magalong na buksan ang night market sa lungsod ngayong holiday season para na rin makatulong sa ekonomiya at maibalik ang pangkabuhayan ng mga nagtitinda.

Gayunman, hindi aniya pwedeng isakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente kung mababalewala ang pagpapairal ng health protocols laban sa COVID-19.

 

 

 

 

TAGS: baguio city, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, market run, night market, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, market run, night market, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.