Bilang ng ridership sa apat na rail lines, sumampa na sa 30.68-M

By Angellic Jordan December 01, 2020 - 08:47 PM

Umabot sa mahigit 30.68 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.

Sa datos ng DOTr, nasa 30,687,278 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang November 30.

Narito ang bilang ng ridership sa sumusunod na rail lines hanggang October 31:
LRT-1- 11,687,229
LRT-2 – 3,312,838
MRT-3 – 7,263,389
PNR – 1,822,168

Mula naman November 1 hanggang 30, narito ang bilang ng mga naserbisyuhang pasahero:
LRT-1 – 3,116,990
LRT-2 – 725,637
MRT-3 – 2,363,316
PNR – 395,711

Umabot naman sa 24 train sets ang nakakatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, lima sa LRT-2, 22 sa MRT-3 at 10 sa PNR.

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

TAGS: dotr, Inquirer News, LRT-1 ridership, LRT-2 ridership, MRT-3 ridership, PNR ridership, Radyo Inquirer news, total ridership, dotr, Inquirer News, LRT-1 ridership, LRT-2 ridership, MRT-3 ridership, PNR ridership, Radyo Inquirer news, total ridership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.