Pang. Duterte, gumagawa ng sariling multo sa panibagong alegasyon tungkol sa ouster plot sa kanya
Nag-iimbento na naman si Pangulong Rodrigo Duterte ng unintelligent intelligence information kasunod ng panibagong rebelasyon tungkol sa umano’y planong pagpapatalsik sa kanya.
Reaksyon ito ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite sa banat ng Presidente, Lunes ng gabi (November 30), laban sa grupong Makabayan na umano’y nakikipagsabwatan para mang-agaw ng gobyerno.
Sabi ni Gaite, nasa isip lang ni Duterte ang sinasabi nitong grand conspiracy gaya noong 2018 nang palutangin ang gawa-gawa ring “Red October” para ilihis ang isyu matapos masangkot ang pamilya nito sa isyu ng ilegal na droga.
Ayon sa kongresista, gumagawa ng sariling multo ang Pangulo dahil maraming dismayado sa mabagal na tulong sa mga biktima ng kalamidad, napakahabang lockdown, mataas na unemployment rate at bagsak na ekonomiya.
Iginiit ng mambabatas na huwag na silang pagdiskitahan dahil abala ang Makabayan bloc sa Kamara sa pagsusulong ng mga panukalang batas na makatutulong sa mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.