Isa pang U-turn slot sa EDSA isasara simula sa Dec. 7
By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2020 - 10:59 AM
Isa pang U-turn slot sa kahabaan ng EDSA ang isasara ng MMDA.
Simula sa December 7 araw ng Lunes, sinabi ng MMDA na isasara na ang U-turn slot malapit sa General Malvar/Bagong Barrio.
Maaaring dumaan ang mga motorista sa alternate route sa Monumento Circle.
Isinasara ang mga U-turn slot sa EDSA bilang bahagi ng patuloy na efforts ng MMDA para mapabilis ang biyahe ng mga commuters sa EDSA Carousel Bus Routes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.