“Pandemic”, Word of the Year ayon sa Merriam Webster
Itinanghal na 2020 Word of the Year ng Merriam Webster ang salitang “pandemic”.
Ayon sa Merriam Webster, ang salitang “pandemic” ang most online dictionary lookups ngayong taon.
Kasunod ito ng pagkakaroon ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa Merriam-Webster.com, ang “pandemic” ay may depinisyon na “outbreak” ng isang sakit na nangyari sa isang malaking geographic area gaya ng madaming mga bansa o kontinente.
Tumaas ang search sa salitang “pandemic” simula March 11 nang opisyal na ideklara ng World Health Organization ang pagkakaroon ng pandemic ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.