20 degrees Celsius naitala sa Metro Manila ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2020 - 06:14 AM

Malamig ang naging unang araw ng Disyembre matapos makapagtala ng mababang temperatura ngayong araw sa Metro Manila.

Ayon sa datos mula sa automated weather station ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga ngayong Martes (Dec. 1) naitala ang 20 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mababang temperatura ngayong umaga ay ang mga sumusunod:

La Trinidad, Benguet – 12 degrees Celsius (5:50AM)
Atok, Benguet – 14 degrees Celsius (5:50AM)
Tagaytay, Cavite – 18 degrees Celsius (6:00AM)

Sa Baguio City ilang sunod na araw na ding nakapagtatala ng mababang temperatura.

Ngayong araw, naitala ang 12 degrees Celsius sa lungsod ganap na alas 5:00 ng umaga.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Metro Manila, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Metro Manila, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.