Global cases ng COVID-19 mahigit 63 million na
Umabot sa halos 500,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Nov. 30) ay 63,055,348 na ang global cases ng COVID-19.
Sa magdamag, mahigit 137,000 ang bagong kaso na naitala sa US.
Habang mahigit 39,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 24,000 ang bagong kaso sa Brazil.
Ang Russia na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng France.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 13,749,317
India – 9,432,039
Brazil – 6,314,740
Russia – 2,269,316
France – 2,218,483
Spain – 1,646,192
UK – 1,617,327
Italy – 1,585,178
Argentina – 1,418,807
Colombia – 1,308,376
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.