Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 213.17 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (November 30) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 211.05 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.43 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.55 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.31 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.20 meters.
Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan.
Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Magat dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.