LPA binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 890 kilometers east ng Minanao.
Wala pa itong direktang epekto saanmang bahagi ng bansa at mababa pa ngayon ang tsansa na maging bagyo.
Mamayang alas 11:00 ng umaga ay maglalabas ng abiso ang PAGASA sa development ng LPA.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Mindoro Provinces, Romblon, at Marinduque ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Tail end ng frontal system eastern section .
Amihan naman ang magdudulot ng maulap na papawirin sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, at sa nalalabing bahagi ng CALABARZON.
Localized thunderstorm naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.