Walang bagong Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19 – DFA
Walang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 28, nasa 11,665 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,332 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala ring bagong gumaling kung kaya 7,497 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala muling bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 836 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,535 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,376 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 830 naman ang kaso sa Americas at 1,924 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.