P4.5T 2021 national budget pag-uusapan na ng Senado at Kamara

By Jan Escosio November 27, 2020 - 11:29 AM

Inaasahan na ngayon weekend ay paplantsahin na ng mga senador at kongresista na miyembro ng Congressional Bicameral Conference Committee ang ilang probisyon sa General Appropriations Bill.

Nakalusot na sa Senado kahapon ang P4.5 trillion 2021 national budget at ayon kay Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Finance Committee at nag-sponsor ng GAB, ang ginawa nilang pag-amyenda ay karagdagang alokasyon sa sektor ng kalusugan bilang pagkunsidera sa kasalukuyang pandemya.

Sinabi pa ni Angara, tinupad nila ang kanilang pangako na ang pambansang budget sa susunod na taon ay tutugon sa pakikidigma ng gobyerno sa nakakamatay na sakit.

Dagdag pa nito, makakatulong din sa mga biktima ng kalamidad ang kanilang bersyon ng GAB at tiwala siya na tutugon din ito sa pagbangon ng ekonomiya.

Napakahalaga naman ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang 2021 national budget dahil magagamit ito para muling patatagin ang Pilipinas.

Umaasa naman si Sen. Grace Poe na magagamit ng tama ang pondo at dapat aniya maramdaman ng taumbayan sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong trabaho, gayundin sa sektor ng edukasyon.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Congressional Bicameral Conference Committee, General Appropriations Bil, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Congressional Bicameral Conference Committee, General Appropriations Bil, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.