Halos 800 jeepney drivers nakapagparehistro sa 2nd day ng General Registration para sa Service Contracting Program ng LTFRB
Mayroong 797 na mga driver ng Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJ) ang nakapagrehistro sa ikalawang araw ng General Registration at Orientation Activity para sa Service Contracting Program.
Ang Service Contracting Program ay inilunsad ng LTFRB at DOTr upang makapagbigay ng karagdagang kita para sa mga driver ng jeep na apektado ng pandemya ng COVID-19.
Ang orientation ay bahagi ng onboarding process ng programa na magbibigay-daan upang mas maunawaan ng mga driver ang Service Contracting Program.
Pagkatapos ng training, isinumite ng mga driver ang kanilang Indemnity Forms at pumirma na ng kontrata para sa programa.
Ngayong araw, itutuloy ang General Registration and Orientation Activity.
Pinapaalala sa mga dadalo sa nasabing aktibidad na mahigpit na ipinatutupad ang patakaran na “NO FACE SHIELD, NO FACE MASK, NO ENTRY” at striktong inoobserbahan ang Social Distancing sa venue.
Maaring mag-pre-register gamit ang Google Form. I-click ang link na ito: https://tinyurl.com/ServiceContracting
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.