Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 60,817
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (November 26, 3:00 PM) nakapagtala ng 271 na bagong kaso kaya pumalo na sa 60,817 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,978
Laguna – 16,392
Batangas – 10,578
Rizal – 12,758
Quezon – 5,111
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,458.
Nasa 52,720 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 225 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 14,853
Batangas – 9,623
Rizal – 11,191
Quezon – 3,963
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 1,639 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 355
Batangas – 306
Rizal – 416
Quezon – 153
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.