P49.8-M pondo para sa mga manggagawa sa Maynila, pirmado na

By Chona Yu November 26, 2020 - 07:17 PM

Manila PIO photo

Magandang balita para sa mga kontraktuwal at job order na manggawa sa Maynila.

Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8701 na naglalaan ng P49.8 milyong pondo para sa mga manggagawa.

Ayon kay Mayor Isko, makatanggap ng tig-P5,000 ang mga manggagawa sa Maynila na may job order contract o contract of service.

Kukunin ang naturang pondo sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) accounts sa 2020 Executive Budget.

Ayon kay Mayor Isko, ang P5,000 ay ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga manggagawa para makaagapay sa pang araw-araw na gastusin bunsod ng pandemya sa COVID-19.

TAGS: contract of service, Inquirer News, job order contract, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, contract of service, Inquirer News, job order contract, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.