Pangulong Duterte, handang tumulong na maamyendahan ang batas na magpapalawig sa transition period ng BARMM

By Chona Yu November 26, 2020 - 03:16 PM

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong para maamyendahan ang batas na magpapalawig pa sa transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hanggang Hunyo 2025.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat tutulong si Pangulong Duterte, kailangan pa ring makipag-ugnayan ang Bangsamoro Transition Authority sa dalawang kapulngan ng Kongreso.

Una rito, sinabi ng BTA na hindi sapat ang tatlong taong transition period ng BARMM.

Ayon sa BTA, tatlong taon ang kakailanganging panahon para makamit ang target na Bangsamoro government.

“Well, ang payo po ni Presidente kinakailangang batas iyan dahil iyong batas po ng eleksiyon para sa BARMM ay nakapaloob po sa batas ‘no. So ang sabi niya tutulong siya para maamyendahan ang batas na iyan pero ang kinakailangan talaga makipag-ugnayan ang mga taga-BARMM sa ating mga kongresista at mga senador,” pahayag ni Roque.

Sa June 30, 2022, nakatakdang matapos ang transition period ng BARMM.

TAGS: bangsamoro transition authority, BARMM, BARMM transition period, breaking news, Inquirer News, President Duterte on BARMM, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, bangsamoro transition authority, BARMM, BARMM transition period, breaking news, Inquirer News, President Duterte on BARMM, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.