Magat Dam at Binga Dam nagpapakawala pa din ng tubig

November 26, 2020 - 10:41 AM

May isang gate pa ding nakabukas at patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 26 ang water level ng Magat Dam ay nasa 190.1 meters.

Nag-abiso ang PAGASA sa mga munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mecedes, Burgos, Naguilian at Gamu na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

Samantala, nagpapakawala pa din ng tubig sa Binga dam.

Alas 8:00 ng umaga ay nasa 574.64 meters ang water level ng binga dam at mayroon pa din itong isang gate na nakabukas.

Ayon sa PAGASA, maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ang mga Barangay Dalupirip, at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

Dona Dominguez-Cargullo

 

 

TAGS: Binga, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Magat Dam, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Binga, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Magat Dam, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.