Face-to-face classes papayagan lamang ng DepEd kung mayroong go signal ni Pangulong Duterte at IATF
Papayagan lamang ng Department of Education(DepEd) ang pagsasagawa ng face-to-face (F2F) classes kapag ito ay pinayagan at ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ipinahayag ito ni DepEd Sec. Leonor Briones sa kasabay ng paglilinaw na mananatili ang polisiya ng gobyerno na walang magaganap na face-to-face classes.
Bagaman pinag-aaralan ng DepEd ang posibleng pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa susunod na taon, ito rin ay ikakasa lang kapag pumayag ang pangulo.
Binigyang-diin din ni Kalihim Briones na ang pagpapatupad nito ay magagawa lamang ayon na rin sa magiging rekomendasyon ng Department of Health at ng national COVID-19 task force.
Samantala, matapos ang isinagawang konsultasyon sa mga education stakeholders, nakatakda na magbigay ng ulat ang kagawaran tungkol sa pagbubukas ng klase noong Oct. 05, 2020.
Ipinag-utos din ng kalihim ang pag-aaral sa reconceptualizing ng learning spaces post-COVID, hindi lamang ng mga silid-aralan, kundi pati ng mga tahanan, community spaces, at virtual space.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.