Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Baguio, bumaba sa 202
Umabot sa 15 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (November 25), umabot na sa 2,930 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 202 ang aktibo pang kaso.
21 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 2,688 na ang total recoveries sa Baguio City habang 40 pa rin ang death toll.
Batay pa sa datos, 259 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Linggo.
Nasa 76,137 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.