Bakanteng units sa relocation sites, ipagamit muna sa mga biktima ng bagyo – Hontiveros

By Jan Escosio November 25, 2020 - 11:50 PM

Nanawagan sa gobyerno si Senator Risa Hontiveros na ipagamit muna sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo ang mga bakanteng bahay sa mga resettlement sites.

“There are at least 13,000 housing units in government’s resettlement sites na nakatengga lang. We can use these units to help the residents in vulnerable and hazard-prone areas to start anew” sabi ni Hontiveros.

Hinimok din niya ang NDRRMC na busisiin na ilan sa mga pasilidad ng gobyerno kung saan inilikas ang ilang residente ay nadiskubre na mas delikado dahil ang mga ito ay natukoy na nasa geo-hazard areas.

“Inilipat doon ang mga residente dahil nga delikado rin sa kanilang tinitirahan. Nakakapagtaka lang na ang mga pabahay ng gobyerno na dapat sana ay nasa ligtas na lugar ay inilagay sa may mas matindi pang disgrasya,” dagdag pa ng senadora.

Ang tinutukoy ni Hontiveros ay ang Kasiglahan Village at Southville 8B sa Rodriguez, Rizal at kapwa natukoy na nasa ‘red zones’ base sa Project Noah ng UP Resiliency Institute.

Hiniling ang decommissioning ng binahang public housing sites.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, relocation sites, resettlement sites, Sen. Risa Hontiveros, Inquirer News, Radyo Inquirer news, relocation sites, resettlement sites, Sen. Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.